Tinamaan ng Omicron subvariant nadagdagan pa ng 32 – DOH

Nasa 32 karagdagang nahawa ng BA.5 Omicron subvariant ang naitala sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Usec. Ma. Rosario Vergeire, 21 sa mga bagong kaso ay sa Region 6, apat sa Calabarzon, apat sa Kalakhang Maynila at tatlo naman sa Central Luzon Region.

Ibinahagi niya na ang naitalang 21 sa Region 6 ay magkakasama sa trabaho.

Nabanggit din nito na sa mga bagong tinamaan, 30 ang fully vaccinated, samantalang ang isa naman ay partially-vaccinated.

Sa mga bagong kaso, 22 ang nakaranas ng mild symptoms at lima ay asymptomatic, bukod dito, 16 sa kanila ang gumaling na samantalang ang natitirang bilang ay naka-isolate.

Ngayon, 43 na ang naitalang tinamaan ng BA.5 sa Pilipinas.

Read more...