No Sail Zone sa Pasig River ikakasa ng Coast Guard sa PBBM inauguration
Magpapatupad ang Philippine Coast Guard (PCG) ng ‘no sail’ sa bahagi ng Pasig River kaugnay sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa National Museum.
Sinabi ni LCdr. Michael John Encina, ang tagapagsalita ng PCG Station Malacañang, epektibo alas-12:01 ng umaga ng Hunyo 30 ang polisiya.
Paliwanag niya hindi papayagan ang paglayag ng anumang uri ng sasakyang-pantubig mulasa bahagi ng Ilog Pasig sa Hospicio de San Jose hanggang sa Pureza sa Sta. Mesa, Maynila.
Aniya 10 sa kanilang floating assets ang magpapatrulya sa naturang bahagi ng Pasig River para siguraduhin na naipapatupad ang polisiya.
Dagdag pa niya, 175 Coast Guard personnel ang magbabantay sa Pasig River, kabilang ang mula sa kanilang Special Operations Group, K9 Unit at Coast Guard Safety inspectors.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.