Grupo ng mga guro kinuwestiyon ang maluwag na physical distancing sa classrooms
Pinuna ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang plano ng Department of Education (DepEd) na i-relax ang ‘physical distancing protocol’ sa mga silid-paaralan sa mga eskuwelan sa mga lugar na nasa Alert Level 1 sa School Year 2022 – 2023.
Umaasa ang grupo na sa pag-upo ni incoming Education Sec. Sara Duterte ay hindi nito ipapatupad ang plano dahil taliwas ito sa mga hangarin sa pagsasagawa na ng face-to-face classes.
Giit ni ACT spokesperson Vladimer Quetua napakahalaga ng tamang bilang ng mga estudyante para sa sinasabing pagbibigay ng de-kalidad na edukasyon.
Mahihirapan din aniya ang mga guro na magturo sa maraming estudyante lalo’t inaasahan na magtuturo sila sa dalawang pamamaraan, in-person at online.
“Ano ang ginawa ng pamahalaan para gawing pandemic-resilient ang mga paraan? Nasaan ang mga dagdag na classroom at guro para sa sinasabi nilang better normal?” tanong ni Quetua.
Una nang inihayag ni Duterte na tuloy ang plano ng in-person classes sa muling pagbubukas ng mga eskuwelahan ngayon Agosto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.