Libreng Sakay program tapos na ang biyahe

By Jan Escosio June 22, 2022 - 08:29 AM

Pinaniniwalaan na mas lalala pa ang nararanasang kalbaryo ngayon ng mga maraming pasahero bunga ng pagtatapos na ng Service Contracting Program ng gobyerno.

Sa pamamagitan ng programa, marami ang nakakabiyahe ng libre sa mga pampublikong sasakyan.

Sa datos mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nagtapos na noon pang Hunyo 16 ang kontrata sa 60 jeepney operators at 10 kontrata ang matatapos sa katapusan ng buwan.

Nabatid na bumibiyahe ang mga naturang jeep sa halos lahat ng ruta sa Kalakhang Maynila.

Nangangahulugan ito, ayon kay LTFRB Executive Dir. Tina Cassion na pag-upo ng administrasyong-Marcos Jr., ay wala ng libreng sakay sa mga jeepney.

Nabanggit din niya na maging ang libreng sakay sa mga pampasaherong bus ay matutuldukan na rin sa pagtatapos ng buwan.

TAGS: libreng sakay, ltfrb, pantawid pasada, Tina Cassion, libreng sakay, ltfrb, pantawid pasada, Tina Cassion

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.