WATCH: Publiko, pinag-iingat sa pagtaas muli ng COVID-19 cases

By Chona Yu June 21, 2022 - 05:23 PM

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Pinag-iingat ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko sa gitna ng pagtaas muli ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, dapat na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face mask, maghugas ng kamay, physical distancing at panatilihing malusog ang katawan.

Ayon kay Andanar, bagamat sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala namang panibagong surge, mas maigi na mag-ingat pa rin lalo’t binuksan na ang ekonomiya.

Hindi lang naman aniya ang Pilipinas ang nakararanas ng pagtataas ng kaso ng COVID-19 kundi maging ang ibang bansa gaya ng Taiwan.

Mahirap naman aniya na puro lockdown ang ipatupad dahil lalo lamang na malulugmok ang ekonomiya.

Narito ang pahayag ni Andanar:

TAGS: COVIDmonitoring, COVIDresponse, InquirerNews, MartinAndanar, RadyoInquirerNews, COVIDmonitoring, COVIDresponse, InquirerNews, MartinAndanar, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.