“We are advising the public to plan their trips and take alternate routes as the DPWH repairs the flyover,” ayon kay MMDA Chairman Romando Artes sa inspeksyon sa naturang flyover kasama si DPWH-Quezon City Second District Engr. Eduardo Santos.
Kasama sa pagsasaayos ang reconstruction ng nasirang bridge diaphragm at kontruksyon ng bagong bridge deck slab ng flyover.
“Total closure of the bridge has to be implemented considering that the construction works have to be done without any vibration movement. Repairs will be done manually without heavy equipment,” paliwanag ni Artes.
Epektibo ang pagsasara sa naturang flyover bandang 6:00, Sabado ng umaga.
Abiso naman ng MMDA, maaring gamitin ng EDSA Carousel buses at mga pribadong sasakyan ang service road at mga alternatibong ruta.
Bago ang pagsasara, sinabi ni Artes na puspusan ang clearing operations sa Mabuhay lanes upang masigurong magiging passable at obstruction-free ang mga alternatibong ruta.
Apektado ng pagsasara ang aabot sa 140,000 sasakyan na dumadaan sa naturang flyover araw-araw.
Narito ang alternatibong ruta:
Mga sasakyan mula sa EDSA southbound: Kumanan sa Scout Borromeo St., deretso hanggang Scout Ybardolaza at J.D. Jimenez St., kumaliwa sa E. Rodriguez Sr. Avenue, kumaliwa sa New York Avenue o dumaan sa Aurora Boulevard hanggang EDSA patungo sa destinasyon.
MABUHAY LANES:
ROUTE 1: Mga sasakyan mula sa EDSA: Kumanan sa West Avenue, kanan sa Quezon Avenue, U-turn malapit sa Magbanua, kanan sa Timog, kanan sa T. Morato, kanan sa E. Rodriguez, kaliwa sa Gilmore, deretso sa Granada, kanan sa Santolan Road o kanan sa N. Domingo, kaliwa sa Pinaglabanan, kanan sa P. Guevarra, kaliwa sa L. Mencias, kanan sa Shaw Boulevard, kaliwa sa Acacia lane, kanan sa F. Ortigas, kaliwa sa P. Cruz, kaliwa sa F. Blumentritt, kaliwa sa Coronado, dumaan sa Mandaluyong-Makati Bridge patungo sa destinasyon.
ROUTE 2: Mga sasakyan mula sa EDSA: Kumanan sa Scout Borromeo, kaliwa sa Scout Ybardolaza/ Scout Torillo / Scout T. Morato / Scout Tuazon o Scout Tobias, kanan sa E. Rodriguez o sumunod sa Mabuhay lane route 1 patungo sa destinasyon.