Hindi na magugulat ang Palasyo ng Malakanyang kung tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang alok ni Senador Bong Go na maging consultant oras na matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, hindi maikakaila na matalik na magkaibigan sina Pangulong Duterte at Go.
“I wouldn’t be surprised if the President will be there to advice Sen. Bong Go since they are very close to each other. At alam naman natin na si Presidente ay mentor ni Sen. Bong Go,” pahayag ni Andanar.
Narito ang pahayag ni Andanar:
WATCH: Palasyo, hindi magugulat kung tanggapin ni Pangulong Duterte ang alok ni Sen. Bong Go na maging consultant | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/UcYHCx7TtD
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 21, 2022
Mahigit 20 taon nang magkaibigan at mag kasama sa trabaho sina Go at Pangulong Duterte.
Sa ngayon, sinabi ni Andanar na sa ngayon, walang ibang alok na trabaho kay Pangulong Duterte.
Una nang sinabi ng Palasyo na balak ni Pangulong Duterte na magturo ng abogasiya sa Davao oras na matapos ang kanyang termino.