MMDA, walang balak magpatupad ng Expanded Number Coding Scheme

By Chona Yu June 21, 2022 - 03:07 PM

Walang balak ang Metro Manila Development Authority na magpatupad ng Expanded Number Coding Scheme.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni MMDA Chairman Romando Antes na sa ngayon, walang nakikitang pangangailangan na ipatupad ang naturang programa.

Paliwanag ni Antes, patuloy kasi na nababawasan ang bilang mga sasakyan na bumibiyahe sa kalsada dahil sa mataas na presyo ng gasolina.

Moderate na rin aniya ang daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.

Sinabi pa ni Antes na ipinauubaya na ng kanilang hanay sa administrasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung magpapatupad ng Expanded Number Coding Scheme.

Sa ngayon aniya, mananatili ang kasalukuyang Number Coding Scheme.

Layunin ng Expanded Number Coding Scheme na bawasan ng 50 porsyento ang volume ng mga sasakyan sa kalsada.

Balak sana ng MMDA na pagbawalang bumiyahe ang mga sasakyan na may plakang natatapos ng odd numbers mula Lunes at Huwebes habang ang mga sasakyan na may plakang natatapos sa even numbers ay pagbaba walang bumiyahe ng Martes at Biyernes mula 7:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 8:00 ng gabi.

TAGS: edsa, EDSAtraffic, expanded number coding scheme, InquirerNews, mmda, MMDAcoding, NumberCoding, RadyoInquirerNews, RomandoArtes, edsa, EDSAtraffic, expanded number coding scheme, InquirerNews, mmda, MMDAcoding, NumberCoding, RadyoInquirerNews, RomandoArtes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.