Bilang ng mga sasakyang dumadaan sa EDSA, nabawasan – MMDA

Nabawasan ng 27,000 ang bilang ng mga sasakyan na dumadaan sa EDSA.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Metro Manila Development Authority (MMDA) chairman Romando Artes na noong Mayo 5, nasa 417,000 ang bilang ng mga sasakyan na mas mataas kumpara sa 405,000 na bilang noong pre-pandemic level.

Pero noong Hunyo 9, bigla aniyang bumaba ang bilang sa 392,000.

Sinabi pa ni Artes na lalo pang nabawasan ang bilang ng mga sasakyan noong Hunyo 19, nabawasan pa ito ng 2,000 at pumalo na lamang sa 390,000.

Paliwanag ni Artes, ang patuloy na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo ang dahilan kung kaya nabawasan ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA.

Read more...