7-day average ng COVID-19 cases sa NCR, tumaas – OCTA
Tumaas sa ang 7-day average ng naitalang kaso ng COVID-19 sa National Capital Region, ayon sa OCTA Research.
Base sa datos na inilabas ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula sa 131, umabot sa 225 ang 7-day average ng COVID-19 sa Metro Manila simula Hunyo 14 hanggang 20.
Nasa 72 porsyento naman ang COVID-19 cases growth rate, 2.05 ang reproduction number, habang apat na porsyento ang positivity rate.
Samantala, nanatili namang mababa sa 22 porsyento ang COVID hospital occupancy sa Metro Manila.
“Forecasts show hospital bed occupancy will remain manageable and no escalation of alert levels at this time,” saad ni David.
Base sa datos ng Department of Health (DOH) hanggang Hunyo 20, nakapagtala ng 529 na bagong kaso ng nakahahawang sakit. Dahil dito, nasa 4,740 ang aktibo pang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.