Kumpyansa ang kampo ni Rep. Leni Robredo na ang kanilang pambato pa rin ang maipo-proklamang panalo oras na matapos ang presidential at vice presidential canvassing.
Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Georgina Hernandez, patuloy silang naniniwala na si Robredo ang mananalo dahil mayroon silang mga kopya ng Certificate of Canvass at iyon ang gagamitin nilang patunay.
Sa unang araw ng canvassing ng Kongreso, nanguna si Robredo sa vice presidential race at lamang sila ng 200,000 na boto.
Ngunit sa pagsasara ng ikalawang araw, Huwebes ng gabi, naungusan na siya ni Sen. Bongbong Marcos nang mahigit isang milyon.
Ipinagkibit-balikat naman ni Hernandez ang mga panawagan na ihiwalay ang proklamasyon ng pangalawang pangulo sa pangulo.
Giit niya, hindi ito posible dahil iisang dokumento lang ang certificate of canvass at hindi ito maaring paghiwalayin.
Paliwanag naman ni election lawyer Romulo Macalintal, hindi ito maaring mangyari dahil hindi pinapayagan ng batas na mabakante agad ang isang posisyon kung iiwanan ang proklamasyon nito.