Si Sen. Ferdinand Bongbong Marcos na ang nangunguna sa ikalawang araw ng opisyal na canvassing ng mga boto sa pagkapangalawang pangulo.
Gayunman, manipis lamang ang agawat sa pagitan ni Marcos at Rep. Leni Robredo sa ‘day two’ ng canvassing.
Sa pagsasara ng bilangan ngayong araw, umaabot na sa 114 certificates of canvass na ang nabibilang ngayong araw sa kabuuang 165 COC.
As of 9:55 ng gabi, umaabot na sa 13,214,810 na nakuha ni Marcos samantalang 13,131,330 ang nakuha ni Robredo.
Nasa 83, 840 na boto na lamang ang agwat sa pagitan ng dalawa.
Noong Miyerkules, sa unang araw ng canvassing, lumamang ng mahigit 200,000 boto si Robredo kay Marcos.
Gayunman, kahapon ng umaga, lumamang ng mahigit 1.9 na milyong boto si Marcos nang simulang bilangin ang mga boto mula sa Ilocos provinces.
Gayunman, kalaunan, nang i-canvass ang mga boto mula sa Camarines Sur na balwarte ni Robredo at iba pang lugar sa Visayas, unti unting lumiit ang agwat ng boto ng dalawa.
Samantala, nagtapos naman ang bilangan ngayong araw sa presidential race kung saan nangunguna pa rin si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.