Briones kay BBM: Tutukan ang mga magsasaka

By Chona Yu June 20, 2022 - 09:10 PM
Umaasa si AGAP Partylist Representative Nicanor Briones na bibigyang prayoridad ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang sektor ng agrikultura. Sa pulong balitaan sa Manila, sinabi ni Briones na masyado nang umaaray ang mga magsasaka dahil sa patuloy na pag-aangkat ng gobyerno sa mga imported na produktong agrikultural. Sinabi pa ni Briones na dapat na mag-talaga si Marcos ng mga miyembro ng gabinete na mayroong puso at malasakit para sa mga magsasaka. Payo pa ni Briones, dapat mag patawag si Marcos ng food security summit at pulungin ang mga magsasaka sa bansa at lahat ng sektor para magkaroon ng bagong direksyon ang bansa. Hindi maikakaila ayon kay Briones na dismayado ang mga magsasaka sa uri ng pamumuno ni Agriculture Secretary William Dar. Wala kasi aniyang naging solusyon si Dar sa mga problema at hinaing ng bayan kung hindi ang mag-import ng ibat ibang produkto. Sinabi pa ni Briones na ang pag aangkat ng produkto ay short term solution sa problema sa suplay ng pagkain. Ayon kay Briones, dapat buhusan ng malaking pondo ang sektor ng agrikultura gaya ng ginagawa ng Thailand at Vietnam kung saan 4 percent ng kabuuang budget ay nakalaan sa agrikultura habang sa Pilipinas ay nasa 1.2 percent lamang ng pondo.

TAGS: BBM, news, nicanor briones, Radyo Inquirer, BBM, news, nicanor briones, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.