Duterte sa mga mambabatas na nagtawid-bakod: ‘Do not adore me’
“Do not adore me.”
Ito ang payo ni presumptive president Rodrigo Duterte sa mga mambabatas na iniwan ang kanilang mga partido para sumuporta sa kaniyang administrasyon.
Ayon kay Digong, hindi dapat sa kaniya ibigay ng mga mambabatas ang kanilang katapatan kundi sa Konstitusyon at sa bansa.
Matatandaang maraming mambabatas ang bumalimbing at iniwan ang kanilang mga partido para lumipat sa PDP-Laban na partido ni Duterte.
Dahil sa lipatan na naganap, mahigit 260 na ang kaalyado ng PDP-Laban sa 290 na inaasahang bilang ng mga miyembro.
Kaugnay rin nito, binalaan rin ni Duterte ang mga itinalaga niyang magiging miyembro ng kaniyang Gabinete na huwag gamitin ang kanilang posisyon para paungusin ang kanilang political career.
Banta ni Duterte, oras na may mga Cabinet members na gagamitin ang kanilang posisyon para sa katiwalian, sisibakin niya agad ang mga ito.
Dagdag pa ni Digong, hindi siya kailangang idolohin ng iba, dahil pare-parehas lang naman silang trabahante na nagli-lingkod sa bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.