President-elect Marcos Jr., pamumunuan ang Department of Agriculture
Sinisimulan nang buoin ang mga ipatutupad na polisiya at plano para sa sektor ng agrikultura sa papasok na bagong administrasyon, ayon kay President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa press briefing, sinabi ni Marcos na naging maayos ang pulong kasama ang kaniyang economic team.
“Marami naman tayong opportunities na alam nating maraming problemang hinaharap but still, I think we have identified certain areas,” pahayag nito.
Dagdag ng magiging susunod na Punong Ehekutibo, “We are not so well-funded that we can cover all different areas and all the different sectors of the economy, so it will be very focused, we will be very focused.”
Sa ngayon, tinatapos na aniya ang mga plano kung anong mga sektor ang tututukan.
Simula pa umpisa, ilang ulit na aniya niyang inihayag na kritikal ang agrikultura sa bansa at isa itong “foundational part” para sa economic development o economic transformation ng bansa.
Bunsod nito, pamumunuan aniya niya ang Department of Agriculture (DA).
“As to agriculture, I think that the problem is severe enough that I have decided to take on the portfolio of the secretary of agriculture at least for now. At least until we can reorganize the DA in a way that will make it ready for the next years to come,” saad nito.
Marami aniyang kailangang palitan at maraming opisina na hindi na masyadong nagagamit o kailangan nang i-retool para sa post-pandemic scenario.
“We will rebuild the value chain of agriculture. That is why I thought its important that the president take that portfolio so that not only to make it clear to everyone what a high priority we put on the agricultural sector, but also as a practical matter so that things will move quickly,” paliwanag pa nito.
Mabilis aniya ang paggalaw ng global economy kung kaya’t kailangang maging maayos ang pagresponde ng bansa sa mga isyu na kailangang tugunan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.