Higit 3,000 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo

By Angellic Jordan June 20, 2022 - 04:27 PM

Nakapagtala ng 3,051 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.

Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Hunyo 20, 2022, base ito sa naitalang datos simula Hunyo 13 hanggang 19, 2022.

Mas mataas ito ng 82 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Hunyo 6 hanggang 12.

Nasa 436 naman ang daily average cases.

Samantala, may 15 na bagong severe and critical cases habang anim naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.

Lumabas din sa datos na nasa 18.2 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 4,033 sa 22,156 non-ICU beds ang gamit.

14.6 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 385 sa 2,636 ICU beds ang gamit.

Nasa 554 naman ang severe and critical admissions, o 10.2 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.

TAGS: BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews, BreakingNews, COVID-19cases, COVID-19deaths, COVID-19Inquirer, COVID-19pandemic, COVID-19recoveries, DOH COVID-19 monitoring, InquirerNews, latest news on COVID-19, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.