Apat na sakay ng bangkang nagkaaberya sa Culion, Palawan nasagip ng PCG

By Angellic Jordan June 20, 2022 - 02:45 PM

PCG photo

Nasagip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na pasahero na sakay ng isang bangka sa bahagi ng Culion, Palawan.

Nasiraan ng makina ang bangka sa katubigan ng Cawa-Cawa Island noong Hunyo 18.

Ayon sa kapitan ng bangka, nagmula sila sa Barangay Bulalacao sa Coron at papunta sanang Culion nang biglang masiraan ng makuna dahil sa tumagas na langis.

Base sa imbestigasyon, napag-alamang nasira ang ‘crankcase’ ng makina kung kaya’t nagkaroon ng leakage.

Inihatid ng PCG ang mga pasahero sa kanilang destinasyon, habang dinala naman ang nasiraang bangka sa Barangay Bulalacao.

PCG photo

TAGS: CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MaritimeSectorWorks, PCG, RadyoInquirerNews, CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, MaritimeSectorWorks, PCG, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.