Davao Occidental, niyanig ng magnitude 4.9 na lindol

Phivolcs photo

Tumama ang magnitude 4.9 na lindol sa Davao Occidental, Lunes ng hapon (Hunyo 20).

Sa earthquake information no. 1 ng Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 395 kilometers Southeast ng Balut Island o Munisipalidad ng Sarangani.

Naramdaman ang pagyanig bandang 1:39 ng hapon.

May lalim na 224 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.

Gayunman, hindi nagdulot ng pinsala ang nasabing lindol sa mga probinsya.

Ayon pa sa Phivolcs, walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...