Hirit ng Ani Kalikasan kay BBM, ibalik ang emission testing center sa bansa

By Chona Yu June 20, 2022 - 01:55 PM

Humihirit ang grupong Alagaan Natin Inang Kalikasan Incorporated (Ani Kalikasan) kay incoming President Ferdinand “Bongbong Marcos Jr. na tugunan ang  hinaing ng mga walang trabaho sa industriya ng emission testing sa bansa.

Sa liham ni Jun Evangelista, presidente ng Ani Kalikasan kay Marcos, sinabi nitong marami na sa kanilang hanay ang nakararanas ng gutom mula nang ipasara ang mga emission testing ni transporation Secretary Arthur Tugade.

Sinabi pa ni Evangelista, na hirap na ang kanilang hanay na makaagapay sa pang-araw-araw na pamumuhay lalo’t nagpapatuloy pa ang pandemya sa COVID-19.

Umaasa ang grupo ni Evangelista na tutugunan ni Maros ang kanilang probema.

“Your genuine concern for the  Filipinos is the best recourse of our unfortunate Private Emmission Testing Center members and all our employees, staff and the communities where they operate,” pahayag ng grupo.

Nangangamba ang grupo na magkakaroon ng wholesale unemployment sa bansa kung hindi aaksyunan ni Marcos ang problema.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.