Sen. Leila de Lima dinala sa Manila Doctors Hospital para operahan
Nasa Manila Doctors Hospital na ngayon si Senator Leila de Lima para sa kanyang limang araw na ‘medical furlough.’
Nakatakdang sumailalim ng ‘major medical surgery’ ang 62-anyos na senadora, ayon sa kanyang kampo.
Noong nakaraang linggo, matapos dumalo ni de Lima sa pagdinig sa kanyang drug case sa isang korte sa Muntinlupa City, sinabi ng kanyang abogadong si Filibon Tacardon na hiniling nila sa korte na payagan itong madala sa ospital.
Ang nabanggit ni Tacardon ay sasailalim sa hysterectomy si de Lima dahil sa isyu sa kanyang matris.
Magugunita na noong Abril 5 nang sumailalim sa medical check up, nadiskubre na may pelvic organ proplapse stage 3 ang senador at pinayuhan na sumailalim sa vaginal hysterectomy sa pinakamadaling panahon.
Kinakailangan din itong maobserbahan ng ilang araw para malaman kung naapektuhan ang kanyang puso.
Noong Abril ng nakaraang taon, inakala na nakaranas ng mild stroke si de Lima habang nasa kanyang kulungan sa PNP Custodial Center sa Camp Crame.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.