Mga Katoliko hinikayat na bumalik na sa in-person mass

Ipinaalaala ni Taytay, Palawan Bishop Broderick Pabillo sa mga katoliko sa bansa na huwag kasanayan ang ‘virtual mass.’

 

Kayat hinihikayat niya ang mga makakaya na magbalik sa in-person na Banal na Misa.

 

Kasabay nito ang kanyang paliwanag ang kahalagahan ng tunay na presensiya at pagtanggap ng Katawan at Dugo ni Panginoong Hesus sa Eukaristiya.

 

“Jesus shared with us everything through His Body and Blood that gave us life. Let us make this life God-centered,” bilin ni Bishop Pabillo sa kanyang homiliya sa pagdiriwang ng Corpus Christi.

 

Ipinanalanangin din aniya niya na mananatili ang health protocols para patuloy na makadalo sa selebrasyon ng Banal na Misa.

 

Pinamumunuan ni Bishop Pabillo ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines – Episcopal Office on Stewardship.

Read more...