Cebu Pacific flight, ibinalik sa paliparan dahil sa technical problem
Isang biyahe ng Cebu Pacific ang na-kansela sa Davao International Airport na patungo sanang Maynila, Huwebes ng hapon.
Umalis na ang Cebu Pacific Flight 5J 956 sa Davao alas-4:41 ng hapon ngunit bumalik rin ito ng 20 minutos pagkatapos nitong mag-take off. Sinabi lang ng piloto na nakararanas ng technical problem ang kanilang eroplano.
Pag-balik ng eroplano sa paliparan, isang flight steward na ang nag-anunsyo na hindi na ligtas para lumipad ang kanilang sinasakyang eroplano.
Pinababa ang mga pasahero at pinaghintay sa departure area habang sinusuri ng mga technical ground crew ang mismong eroplano.
Dismayado naman ang karamihan sa mga pasahero dahil hindi agad sila naasikaso.
Noong una, isang staff lamang ang humarap sa kanila para asikasuhin ang problema ng mga pasahero.
Pero makalipas ang ilang oras, kinansela na nang tuluyan ng Cebu Pacific ang nasabing flight.
Ni-rebook rin kahapon ang flights ng ilang pasaherong kailangang makapunta agad ng Maynila, ngunit ang iba ay ngayong araw pa lang ng Biyernes makakalipad.
Pinagkalooban naman ng sleeping accomodations ang mga na-stranded na pasahero.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.