VP Sara haharapin ang DepEd transition team

By Jan Escosio June 20, 2022 - 12:36 PM

PHILIPPINE DAILY INQUIRER PHOTO

Sinabi ni Vice President-elect Sara Duterte na personal niyang haharapin  ang transition team ng pamumunuan din niyang Department of Education (DepEd).

 

Sinabi ni Duterte na nagkaroon na ng komunikasyon ang kanyang kampo sa bahagi naman ni outgoing Education Sec. Leonor Briones.

Naibahagi nito na binabalak na nila ang 100 porsiyentong face-to-face classes sa darating na buwan ng Agosto.

 

Samantala, kasabay nang pagbati sa inagurasyon ni Duterte kahapon, kinapapanabikan na rin ng DepEd ang pag-upo ng bagong mamumuno ng kagawaran.

 

Tiniyak ng pamilya ng DepEd ang kanilang kooperasyon sa pagharap ni Duterte sa mga hamon sa sektor ng edukasyon.

 

Kabilang sa kanilang ipiprisinta kay Duterte ang Basic Education Development Plan (BEDP) 2030, na makakatulong sa mga gagawing reporma.

 

“We call on our stakeholders, including our teachers, non-teaching personnel, field officials, parents, and partners, to unite and collaborate anew under the leadership of VP Sara, for the benefit of the Filipino children,” ang pahayag pa ng DepEd.

TAGS: deped, face-to-face, Sara Duterte, deped, face-to-face, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.