Naalis ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga mapanganib na trabaho ang higit sa 90,000 child laborers sa bansa.
Sinabi ni Sec. Silvestre Bello III nagawa nila ito nang simulan nila ang ‘profiling’ ng mga batang manggagawa.
Nakagawa na rin aniya sila ng database para mas maging mabilis ang mga hakbang para matulungan ang mga batang manggagawa.
Aniya bahago ito ng Philippine Development Plan 2017-2022 na layon mabawasan ang child labor cases ng hanggang 30 porsiyento.
Base sa huling datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang m,ay 597,000 batang Filipino ang nagta-trabaho, karamihan sa kanila ay sa sektor ng agrikultura.
Samantala, tumaas naman ng 264 porsiyento ang Online Sex Abuse and Exploitation in Children (OSAEC) sa bansa sa kasagsagan ng pandemya dulot ng COVID 19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.