Pangulong Duterte tinanggap alok na trabaho ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio June 20, 2022 - 09:35 AM

Sa pagbaba sa puwesto ni Pangulong Duterte sa Hunyo 30, maaring may bago na agad itong trabaho.

 

Ibinahagi ni Sen. Christopher Go na tinanggap ni Pangulong Duterte ang kanyang alok na maging consultant nito.

 

“Sabi ko ‘Mr. President, puwede ba kitang kunin kahit man lang consultant?’ Pumayag naman siya as a legal consultant,” sabi ni Go.

 

Ngunit paglilinaw ng senador wala pang katiyakan ang pagiging legal consultant ni Pangulong Duterte sa kanya.

 

“Isa lang po ‘yun sa mga options niya. Hindi ko lang masasabi dahil malay ninyo may mga offer sa kanya sa mataas na posisyon,” dagdag pa nito.

 

Ilang ulit ng sinabi ni Go na sa pagtatapos ng termino ni Pangulong Duterte ay tutulong pa rin ito at itutuloy ang kanyang mga nasimulang adbokasiya.

 

Taon 1998 nang magsimulang magsilbi si Go bilang aide ng noon ay Davao City Mayor Rodrigo Duterte at nang manalo bilang pangulo ng bansa, itinalaga si Go bilang Special Assistant to the President hanggang siya ay manalo sa 2019 senatorial race.

 

Magwawakas naman ang termino ni Go sa Senado sa 2025.

TAGS: consultant, duterte, go, consultant, duterte, go

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.