Binata pinagalitan ng utol sa inuman, nagsaksak sa puso

By Jan Escosio June 20, 2022 - 09:15 AM

Nauwi sa trahedya ang pag-iinuman ng magkakapatid sa Tondo, Maynila kagabi nang magpakamatay ang isa sa kanila.

 

Base sa inisyal na impormasyon, bago mag-alas 11 nang magsaksak sa sarili ang 20-anyos na estudyanteng si Jaymark Benedicto, residente ng Gate 20 Area H sa Parola.

 

Nabatid na sa gitna nang pakikipag-inuman ni Benedicto sa kanyang mga kapatid, biglang pinagalitan ito ng kanyang kuya.

Diumano, ang biktima ang sinisi ng kanyang nakakatandang kapatid sa pagkamatay ng isa pa nilang kapatid dahil sa sakit.

 

Sa labis na sama ng loob, dinampot ni Benedicto ang kutsilyo at sinaksak ang sarili sa dibdib na tumagos sa kanyang puso.

 

Isinugod pa sa Gat Andres Bonifacio Memorial Hospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

TAGS: estudyante, Parola, suicide, estudyante, Parola, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.