Pelikulang Mistah ni Robin Padilla balak sundan ng Mindanao mayor

Matapos muling manalo para sa kanyang ikatlo ang huling termino sa nakalipas na eleksyon, pinagbabalakan na ni Mayor Nunungan, Lanao del Norte Mayor Marcos Mamay ang paggawa ng isang makabuluhang pelikula.

 

Ibinahagi ni Mamay na nakikipag-usap na siya kay Senator-elect Robin Padilla para sa binabalak niyang Mistah 2.

 

Taon 1994 nang ipalabas ang pelikulang Mistah, na pinagbidahan ni Padilla gayundin ng kanyang mga kapatid na sina Rommel, Royette at Rustom (BB Gandanghari).

 

Ang pelikula ay ukol sa buhay at sakripisyo ng mga sundalo sa Mindanao.

 

Samantala, sa panibagong mandato na ibinigay sa kanya ng kanyang mga kababayan, sinabi ni Mamay na magpapatuloy ang kanyang mga programa at adbokasiya para sa pag-unlad ng Nunungan.

 

Gayundin, patuloy niyang isusulong ang kaayusan at kapayapaan sa kanilang bayan.

 

Kamakailan, nagkaroon ng selebrasyon para sa pagkakapanalo ni Mamay at ito ay dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan sa pulitika at showbiz tulad nina Bernard Cruzata, pangulo ng KBL – NCR at Alona Obispo, Sec-Gen. – KBL NCR at publicist Rein Escaño.

Read more...