Sara Duterte, nanumpa na bilang ika-15 bise presidente ng Pilipinas
Nanumpa na si Sara Duterte-Carpio bilang ika-15 bise presidente ng Pilipinas.
Bago ang seremonya, nagdaos ng Thanksgiving Mass sa San Pedro Cathedral, sa pangunguna ni Davao Archbishop Romulo Valles, bandang 4:30, Linggo ng hapon (Hunyo 19).
Nakasuot si Duterte ang kulay berdeng Filipiana gown, na gawa ng designer na si Silverio Anglacer.
Pinangasiwaan ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando ang inauguration ceremony ni Duterte sa San Pedro Square pasadao 5:00 ng hapon.
Katabi ni Duterte sa panunumpa ang ama na si outgoing President Rodrigo Duterte at ang ina na si Elizabeth Zimmerman.
Matapos ang panunumpa, mahigpit na niyakap si Inday Sara ng kanyang ama’t ina.
Kasama rin ng bise presidente ang kaniyang asawa na si Atty. Manases Carpio.
“Ako po si Inday Sara. A proud Dabawenya. A proud Mindanaoan. Hindi ako ang pinakamagaling o pinakamatalinong tao sa Pilipinas at sa mundo. Ngunit, walang makakatalo sa tibay ng puso ko bilang isang Pilipino. Mabuhay ang Pilipinas! Daghang salamat!,” saad ni Dutertre sa kaniyang inaugural address.
Samantala, dumalo sa inauguration ceremony si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. kasama ang kaniyang pamilya.
Nasaksihan din ang seremonya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy, at ilan pang personalidad.
Nag-perform naman sina Njel de Mesa at Andrew E. kung saan sinabi ang “VP na si Inday Sara.”
Nanalo si Sara Duterte bilang ika-15 bise presidente ng Pilipinas matapos makakuha ng 32,208,417 official votes sa presidential race ng nagdaang 2022 National and Local Elections.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.