Bilang ng mga Pinoy na nagsasabing sila’y mahirap, bumaba ayon sa SWS survey

 

Bilang ng mga Pinoy na nagsasabing sila’y mahirap, bumaba ayon sa SWS survey

Tinatayang nasa 10.5 milyong pamilyang Pilipino na lamang ang nagsasabing sila ay mahirap.

Ang bilang na naitala ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula March 30 hanggang April 2 ay mas mababa kung ikukumpara sa bilang na naitala noong nakaraang taon.

Lumabas sa survey na 46% o katumbas na 10.5 milyon na pamilya ang nagsabing ang kanilang pamilya ay mahirap, habang noong December 2015, 50% o 11.2 million ang nagsabing sila ay mahirap.

Ang nasabing 46% na self-rated poverty rating ang pinakamababang naitala sa loob ng apat na taon mula noong December 2011 kung saan naitala ang 45%.

Sumasalamin ito sa pagbaba ng bilang ng mahihirap sa halos lahat ng mga rehiyon maliban sa Mindanao.

Paliwanag ng SWS, ang 4 na puntos na ibinaba ng self-rated poverty rate ay dahil sa pagbaba nito sa Visayas, Metro Manila at Balance Luzon, na sinamahan ng 2 puntos na pagtaas sa Mindanao.

Bumagsak ng 14 puntos mula sa dating 66% ang self-rated poverty sa Visayas na ngayon ay 57% na lamang.

Sa Balance Luzon naman ay dalawang puntos ang ibinaba na ngayon ay nasa 44% na mula sa dating 46%.

Tumaas naman ng dalawang puntos ang self-rated poverty sa Mindanao na ngayon ay nasa 53% na mula sa dating 51%.

Isinagawa ang survey sa 1,500 na adult respondents, na may margin of error na +/- 3 points sa national percentages at +/- 6 points sa bawat isa sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao.

Read more...