Carlos Yulo, nakasungkit pa ng dalawang gold medal sa Asian Championships

Photo credit: Asian Gymnastics Union/Twitter

Nakuha ng Filipino gymnast na si Carlos Yulo ang dalawa pang gintong medalya sa 2022 Asian Championships.

Nanguna si Yulo sa Men’s Vault makaraang makakuha ng 14.800 na kabuuang puntos.

Natalo rin ni Yulo ang Japanese at Chinese gymnast sa Parallel Bars sa kabuuang puntos na 15.167.

Sa kabuuan, mag-uuwi si Yulo ng tatlong gintong medalya at isang silver medal mula sa nasabing sports competition.

Idinaos ang 2022 Asian Championships sa Doha, Qatar.

Read more...