Bulkang Bulusan, nakapagtala ng anim na volcanic earthquakes
Patuloy na tinututukan ng Phivolcs ang aktibidad ng Bulkang Bulusan.
Base sa update ng Phivolcs sa araw ng Lunes, Hunyo 19, nakapagtala ng anim na volcanic eartquakes sa nasabing bulkan.
Kabilang dito ang isang volcanic tremor na may apat na minuto ang haba.
Nakapagtala rin ng 865 tonelada ng sulfur dioxide kada araw noong Hunyo 17.
May lumabas ding plume sa Bulkang Bulusan na may taas na 100 metro. Napadpad ito sa direksyong Kanluran Timog-Kanluran.
Ayon sa Phivolcs, may pamamaga sa naturang bulkan.
Sa ngayon, nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Bulusan.
Bilang pag-iingat, ipinagbabawal ang pagpasok sa apat na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone (PDZ) at pagpasok nang walang pag-iingat sa 2-kilometer Extended Danger Zone (EDZ) sa Timog-Silangan.
Nagpaalala rin sa paglipad ng anumang aircraft sa tuktok ng naturang bulkan.
Sinabi ng Phivolcs na maari pa ring magkaroon ng biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.