Sisimulan ng YGG Pilipinas, ang pinakamalaking crypto community sa bansa, ang kanilang 6-province road trip sa Baguio City sa Hunyo 25.
Ayon kay Luis Buenaventura II, Country head ng Yield Guild Games, layon ng nasabing road trip na ipakita ang iba’t ibang Web3 games at projects na kinabibilangan ng YGG.
Ilan sa mga laro na ipapakita sa YGG Road trip – Baguio ang sikat na crypto games tulad ng Axie Infinity, Cyball, Thetan Arena, at Fancy Bird.
Dagdag pa ni Buenaventura, layon ng kanilang grupo na makausap at makipag-ugnayan sa mga Filipino sa grassroots level at bumuo ng magandang crypto community sa bansa.
“YGG is both an investor and a community for these games,” ani Buenaventura.
Napili umano nila ang mga probinsya para sa YGG road trip dahil mas malaki ang play-to-earn movement sa mga probinsya kumpara sa Metro Manila.
Makikita rin sa YGG road show – Baguio ang ilan sa mga sikat ng influencer tulad ni Jobols, VMG, BoarKnock, ArcherPerez at iba pang gaming influencers. Marami ring pa-prempyo na ipamimigay.
Sa mga nais dumalo, maaring magtungo sa SM City Baguio para sa YGG road show.