44,000 katao apektado ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan
Aabot sa 44,000 katao ang naapektuhan ng pag-aalburuto ng Bulkang Bulusan.
Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council spokesperson Mark Timbal na sa ngayon, wala nang mga evacuees ang naninirahan sa mga evacuation center sa munisipalidad ng Juban dahil nakauwi na sa kani-kanilang tahanan.
Sa ngayon, sinabi ni Timbal tahimik na ang Bulkang Bulusan.
Umaasa aniya ang NDRRMC na tuloy-tuloy na ang pananahimik ng bulkan para makabalik na sa normal na pamumuhay ang mga apektadong residente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.