Ilang lugar sa bansa, positibo sa red tide

 

Positibo sa red tide ang ilang baybaying dagat sa bansa.

Ayon sa ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, positibo sa red tide ang coastal waters ng Milagros, Masbate, Dauis at Tagbilaran City sa Bohol, Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur, Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte, at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Pinapayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na iwasang kumain ng mga shellfish gaya ng alamang.

Maari namang kumain ang isda, pusit, hipon, at crabs basta’t siguraduhin na maayos ang paghugas, pagluto, tanggalan ng hasang at kaliskis.

Samantala, wala ng red tide sa karagatan ng Bolinao, Pangasinan.

 

Read more...