Nag-enjoy ang mga kandidata ng Binibining Pilipinas, kasama ang mga orphan, sa Araneta Fiesta Park sa Quezon City, araw ng Biyernes (hHunyo 17).
Ang mga bata ay kasama sa charity program ni Father Tony Labiao ng Diocese of Novaliches.
Sa Instagram post ng Binibining Pilipinas organization, makikitang naging masaya ang mga orphan kasama ang mga kandidata.
Iba’t ibang laro ang nasubukan ng mga kandidata at orphans.
“It’s true that Binibinis work hard, but we also play harder! Felt like kids again in Araneta Fiesta Park! 😄🎡,” saad sa post.
Dagdag nito, “Thank you to @aranetacity for the most awesome experience we got to share with the orphaned kids under Father Tony Labiao’s charity program. We love them all so much 🥰.”
MOST READ
LATEST STORIES