DPWH magsasagawa ng weekend road reblocking at repaie sa bahagi ng EDSA, C5
Ipagpapatuloy ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang reblocking at repairs sa ilang pangunahing kalsada sa EDSA at C5.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), sisimulan ang aktibidad bandang 11:00, Biyernes ng gabi (Hunyo 17).
Narito ang mga apektadong kalsada:
1. EDSA Santolan SB, San Juan City, innermost lane (bus way) mula sa Connecticut St. patungong Rochester St.
2. EDSA Quezon City NB pagkatapos ng Aurora Blvd. – EDSA tunnel (end of asphalt) patungong New York St. (EDSA Carousel Bus lane) Aurora Blvd. hanggang Kamuning Road 1st lane mula sa sidewalk (Intermittent section) pagkatapos ng Kamuning Rd. hanggang JAC Liner Bus Station (sa tabi ng concrete barriers/center island)
3. C-5 Road Northbound (3rd lane), Makati City
4. C-5 Road Southbound (2nd lane), Makati City
5. Batasan Road IBP- San Mateo Road hanggang Sampaguita St., (1st lane mula sa sidewalk)
6. Commonwealth Ave. NB Quezon City, Zuzuareggui St. sa harap ng Diliman Preparatory School (2nd lane mula sa MRT Area)
7. Cloverleaf (CHN.000 – CHN 258) papunta sa NLEX NB
8. Cloverleaf (CHN.000 – CHN 234) papunta sa NLEX SB
9. C-5 Road sa bahagi ni Pasig Blvd. Southbound, sa harap ng 7/11, Brgy. Pineda
Muling madadaanan ang mga nasabing kalsada bandang 5:00, Lunes ng madaling-araw (Hunyo 20).
Abiso naman sa mga motorista, pansamantalang dumaan sa mga alternatibong ruta upang hindi maabala ng aktibidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.