LOOK: Senator-elect Robin Padilla, nanumpa na kay Pangulong Duterte

Photo credit: @marieltpadilla/Instagram

Nanumpa na si Senator-elect Robin Padilla kay Pangulong Rodrigo Duterte, araw ng Huwebes (Hunyo 16).

Base sa larawang ibinahagi sa Instagram, kasama ni Padilla sa oath-taking ceremony sa Malakanyang ang asawang si Mariel Rodriguez-Padilla at dalawang anak na sina Isabella at Gabriela.

Photo credit: @marieltpadilla/Instagram

“We are sooo sooo sooo proud of you @robinhoodpadilla I KNOW you will be an amazing and effective Senator,” saad nito sa kaniyang IG post.

Dagdag nito, “All eyes on you… but that’s okay we like challenges. 👍🏼 When you were taking your oath, I told myself Robin was born to be GREAT. Meron talagang mga tao na destined to excel… si Robin ganun. You got this babe! We are behind you, beside you and with you all the way. God speed! Allah hu Akbar!”

Matatandaang nanguna si Robin sa senatorial race ng 2022 National and Local Elections, kung saan nakakuha ito ng 26,612,434 na kabuuang boto.

Tumakbo si Padilla sa ilalim ng partidong PDP-Laban.

Read more...