WATCH: Bangladesh, target maglagak ng pagnenegosyo sa pharmaceutical industry sa bansa
Target ng Bangladesh na maglagak ng pagnenegosyo sa pharmaceutical industry sa bansa.
Sa courtesy call ni His Excellency Borhan Uddin kay incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Mandaluyong City, sinabi nito na target ng kanilang hanay na paiigtingin ang ugnayan sa bansa sa larangan ng pagawa ng gamot.
“We have a very booming pharmaceutical sector in Bangladesh. He will be happy to know that we export our pharmaceuticals to more than 140 countries around the globe, including USA and European Union countries. So, we are hoping to enhance our cooperation in this sector also. And maybe there will be some investment from Bangladesh in the Philippines in this sector,” pahayag ni Uddin.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Uddin:
WATCH: Ayon kay Ambassador of Bangladesh F.M. Borhan Uddin, kabilang sa kanilang natalakay ni President-elect Ferdinand @bongbongmarcos Jr. ang pharmaceutical sector | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/RxJET0YbMf
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 17, 2022
Sa ngayon, gumagawa na ang Bangladesh ng gamot na remdesivir kontra COVID-19.
Saad ni Uddin:
WATCH: Napag-usapan din nina Ambassador Uddin at President-elect Ferdinand @bongbongmarcos Jr. ang pag-export ng gamot kontra sa COVID-19.
Sabi naman ni Uddin ukol sa gamot laban sa monkeypox: “We are here to work on it.” | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/XwvC7tfQxP
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 17, 2022
Bukod sa pharmaceutical industry, natalakay din nina Marcos at Uddin ang usapin sa pagpapaigting sa kooperasyon sa sektor ng agrikultura, ceramic industries, glass fiber industries, jute at jute goods industries, gardeners industries, at iba pa.
Natalakay din ng dalawa ang kooperasyon sa regional at international level.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.