Operasyon ng LRT-2, extended simula ngayong araw

By Angellic Jordan June 17, 2022 - 10:19 AM

DOTr photo

Extended ang operasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) simula sa araw ng Biyernes, Hunyo 17.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), layon nitong makapagsilbi sa mas marami pang pasahero, sa ilalim ng pamumuno ni Transportation Secretary Art Tugade at ng Light Rail Transit Authority (LRTA).

Mula sa orihinal na 8:30 ng gabi, aalis na ang huling commercial train sa Antipolo station bandang 9:00 ng gabi.

Samantala, mula naman sa 9:00 ng gabi, magiging 9:30 ng gabi na ang alis ng huling biyahe ng tren sa Recto station.

Inaasahan kasing dadami na ang mga empleyadong babalik sa onsite work at mga estudyanteng dadalo sa face-to-face classes.

TAGS: DOTrPH, InquirerNews, LRT2, LRTA, PartnerForChange, RadyoInquirerNews, RailwaysSectorWorks, DOTrPH, InquirerNews, LRT2, LRTA, PartnerForChange, RadyoInquirerNews, RailwaysSectorWorks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.