Mayor Belmonte, ipinag-utos ang mahigpit na pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang lahat ng 142 na barangay officials na mahigpit na ipatupad ang pagsusuot ng face mask.

Ito ay para maagapan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

“We cannot strictly enforce social distancing because we have just recently reopened our economies, so we are appealing to everyone to mask up and get vaccinated or boosted instead,” pahayag ni Belmonte sa pakikipag pulong sa mga barangay officials.

Inatasan din ni Belmonte ang Law and Order Cluster, Department of Public Order and Safety at Task Force Disiplina na mahigpit na i-monitor ang “No Face Mask” Ordinance.

Tiniyak naman ni Belmonte na sapat ang suplay ng bakuna kontra COVID-19 sa lungsod.

Sa ngayon, nakaalerto na ang lokal na pamahalaan matapos itaas ang Yellow Alert status dahil sa bahagyang pagtaas ng COVID-19 sa lungsod.

Read more...