Scarborough Shoal mananatili sa Pilipinas ayon kay PNoy

By Alvin Barcelona May 26, 2016 - 08:23 PM

Scarborough-Reef2Nanindigan si Pangulong Noynoy Aquino na sa pag-aari pa rin ng pilipinas ang Scarborough Shoal.

Taliwas ito sa pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte na naagaw na ng China ang nasabing teritoryo.

Ayon sa pangulo, ang Scarborough Shoal ay may layong 120 nautical miles mula sa Masinloc, Zambales at malinaw na nasa loob ng 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas.

Kahit aniya ang Reed Bank na pinangyarihan ng unang insidente kontra sa mga puwersa ng China ay nasa tinatayang 80 nautical miles mula sa Palawan.

Ipinaglalaban din aniya ng Pilipinas ang mga nasabing teritoryo sa West Philippine Sea sa pamamagitan ng Association of South East Asian Nation o ASEAN at arbitration count ng  United Nations.

Nauna nang sinabi ni Duterte na gusto niyang malaman mula sa mga kasalukuyang Malacañang officials kung bakit napunta sa China ang ilang mga isla na nasa loob ng ating teritoryo.

TAGS: Aquino, scarborough shoal, West Philippine Sea, Aquino, scarborough shoal, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.