Pagtugon ng pandemya, epektibo base sa SWS survey – Palasyo
Patunay na epektibo ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya sa COVID-19 ang resulta ng Social Weather Station (SWS) na nagsasabing gumanda ang kalidad ng buhay ng mga Filipino sa bansa.
Batay sa SWS survey, tumaas sa 32 porsyento ang bilang ng adult Filipino respondents na nagsabing gumanda ang kanilang buhay noong Abril 2022 kumpara sa naitalang 24 percent noong Disyembre 2021.
Ayon kay acting presidential spokesman Martin Andanar, binibigyang prayoridad ng administrasyon ang kalusugan at ekonomiya ng bansa.
“We view this improvement an incontrovertible proof that the current government’s pandemic response is working, where we put premium on both health and the economy,” pahayag ni Andanar.
Sinabi pa ni Andanar na sumasalamin din ang survey na patungo na ang bansa sa pagbangon
“It is likewise a reaffirmation that we are now on our way to full economic recovery while maintaining our vigilance with the new COVID-19 variants,” pahayag ni Andanar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.