PNoy hindi nababahala sa pagtalikod sa kanya ng mga kapartido

By Alvin Barcelona May 26, 2016 - 08:20 PM

Liberal party
Inquirer file photo

Kumpiyansa si pangulong aquino na hindi mauubos ang mga miyembro ng liberal party kahit marami na ang nagsilipat sa PDP-Laban na partido ni incoming President Rodrigo Duterte.

Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na naiintindihan niya kung bakit naglipatan ang kanyang mga kapartido.

Aniya, iniisip lamang ng mga dati niyang kasamahan ang interes ng mga distrito na kanilang kinakatawan sa Kongreso.

Alam ng pangulo na mas matutupad ng mga dati nilang kapartido ang mga ipinangako nila sa kanilang mga constituents kung lilipat ito sa partido ng mauupong administrasyon.

Gayunman, hindi nababahala si PNoy sa nasabing pangyayari dahil marami pa naman silang miyembro na nagpa-iwan at marami din ang nagpasabi na babalik rin sa Liberal Party.

Sa Kamara ay ipinagmalaki ng PDP-Laban na kaya nilang bumuo ng super majority group dahil sa dami ng kanilang mga bagong kasapi sa partido.

TAGS: Aquino, liberal party, Aquino, liberal party

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.