Fuel tanker tinangay sa Quezon sa pasabay modus

Naaresto ang isa sa tatlong tumangay ng tanker truck sa bayan ng Sariaya sa lalawigan ng Quezon noong Martes ng gabi.

 

Kinilala ang naaresto na si Vincent Reyes, 31, samantalang hinahanap pa ang kanyang mga kasamang sina Philip Magtanggol, alias Joji at alias Joey.

 

Sinabi ni Quezon Provincial Police director, Col. Joel Villanueva pinara ng mga suspek ang tanker truck (NBM 5519), na pag-aari ng 4M Transport and Sales Corp, pagkalabas nito ng Azora Depot.

 

Nakiusap ang mga suspek sa driver na si Eman Molejon na makikisabay hangang Barangay Manggalang Bantilan at pinagbigyan naman ang mga ito.

 

Ayon kay Molejon piniringan siya at itinali ang kanyang mga kamay.

 

Nang makatakas, agad siyang nagsumbong sa mga nagpapatrulyang pulis, na agad hinabol ang mga suspek.

 

Narekober ang truck, na naglalaman ng higit P1.5 milyong halaga ng krudo at gasolina.

Read more...