150 hinuli sa QC public markets dahil sa hindi pagsusuot ng mask
Umabot sa 150 vendors at mamimili sa limang palengke sa Quezon City ang hinuli dahil sa hindi pagsusuot ng mask.
Ayon kay Elmo San Diego, director ng Department of Public Order and Safety (DPOS), nagtungo sila sa Q-Mart, Murphy Market, Kamuning Market, Farmer’s Market at Arayat Market.
Sinabi nito na ikinasa nila ang operasyon dahil sa pagtaas sa‘yellow status’ ng kanilang local COVID 19 early warning system bunga nang pagdami ng mga bagong kaso sa lungsod.
Karamihan sa mga nasita ay hindi nakasuot ng mask at pinagmulta ng P300.
Kapag muling nahuli, P500 na ang multa at madodoble ito sa P1,000 kung sa ikatlong pagkakataon ay muling mahuhuli.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.