Bumaba ang bilang ng mga pampublikong sasakyan na bumibiyahe sa Metro Manila nitong mga nakalipas na araw.
Ito ang obserbasyon ni Inter-Agency Council on Traffic chief Charlie del Rosario base sa kanilang obserbasyon.
Aniya ang dahilan ay ang patuloy na pagtaas ng halaga ng krudo o diesel at hindi naman mapipipilit ang mga driver na pumasada.
“Pero lagi lang ho nating alalahanin at ipinapaalala po talaga, na dapat po ay gawin natin ang naaayon po sa prangkisa na tayo po ay magbigay ng serbisyo sa publiko,” paalala ni del Rosario.
Ayon sa opisyal binabalanse ng gobyerno ang interes ng mga nabubuhay sa sektor ng pampublikong transportasyon at ng mga mananakay.
Binanggit nito na bilang pagkilala sa kapakanan ng mga operators at drivers tinaasan ng P1 ang minimum na pasahe sa mga jeep.