COVID 19 adviser itinutulak na bagong kalihim ng DOH

By Chona Yu June 16, 2022 - 04:31 PM

TED HERBOSA FB PHOTO

Si Doctor Ted Herbosa ang nais ng mga may-ari ng mga pribadong ospital sa bansa na uupong kalihim ng Department of Health (DOH) sa administrasyong-Marcos Jr.

 

Ito ang ibinahagi ni Dr. Jose Rene de Grano, pangulo ng Private Hospitals Asso. of the Phils. (PHAPI).

 

Aniya umaasa sila na mapapagbigyan ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang kanilang kahilingan.

 

Sa ngayon ay nagsisilbing adviser ng National Task Force Against COVID 19 si Herbosa.

 

“Sa amin pong hanay, mayroon pong mga hospitals, different medical societies, even the PMA (Philippine Medical Association), mayroon po kaming niri-recommend and hopefully siya po ang tanggapin ng ating President-elect Marcos na siya pong gawing Secretary of Health, but of course the final decision ay sa kaniya pa rin,” pahayag ni de Grano.

TAGS: doh, PHAPi, Ted Herbosa, doh, PHAPi, Ted Herbosa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.