Pangulo napikon sa salitang “empathy”

By Alvin Barcelona May 26, 2016 - 08:16 PM

aquino-relief-yolanda-1119
Inquirer file photo

Umalma si Pangulong Noynoy Aquino sa matagal nang alegasyon ng kanyang mga kritiko na wala siyang “empathy” o pang-unawa sa mga nangyayari sa kanyang paligid.

Sa harap umano ito ng hindi pagpapakita ng Pangulo ng empathy sa ilang malalaking insidente sa bansa.

Nanindigan si Aquino na walang basehan ang nasabing puna laban sa kanya.

Ayon sa pangulo, pinahanap at inalam niya ang ibat ibang depenisyon ng salitang empathy at hindi niya maintidihan kung saan nanggagaling ang nasabing banat.

Inihalimbawa niya ang ginawang pagpunta sa Tacloban Ciuty pagkatapos ng bagyong Yolanda kung saan tiniyak niya sa mga apektadong pamilya na paparating na ang tulong mula sa gobyerno at sa ganun din sa Zamboanga City nang umatake doon ang Moro National Liberation Front (MNLF).

Ayon pangulo, kung ang hinahanap ng kanyang mga kritiko ay umiyak o di kaya ay magdabog siya sa mga nasabing pagkakataon ay hindi niya ito gagawin dahil hindi ito ang dapat na ginagawa ng ama ng bayan.

TAGS: Aquino, empathy, Malakanyang, Aquino, empathy, Malakanyang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.