Inanunsiyo ng Korte Suprema na nag-positibo sa COVID 19 si Associate Justice Maria Filomena D. Singh base sa resulta ng kanyang test kahapon, Hunyo 15.
Nabatid na dumalo pa si Singh sa Court Deliberations Sessions noong Martes kayat ang iba pang mahistrado na dumalo sa en banc ay nasa self-quarantine.
Sasailalim sa COVID 19 testing ang iba pang mahistrado matapos ang ‘incubation period’ at ayon sa pahayag ng Korte Suprema, wala pang nakakaranas ng anumang sintomas.
Ibinahagi din na fully vaccinated si Singh at naturukan na rin siya ng booster shot at nakakaranas ng ‘mild symptoms.’
Agad din niyang ipinagbigay alam sa kanyang mga katrabaho at staff ang naging resulta ng kanyang COVID 19 test.
Patuloy naman itong gagampanan ang kanyang mga tungkulin alinsunod sa guidelines ng Inter Agency Task Force (IATF).
Ayon pa sa Korte Suprema, lingguhan na sumasailalim sa anti-gen testing ang kanilang mga opisyal at kawani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.