PNP dumipensa sa hindi paghuli sa sumagasa ng mall guard
Nagpaliwanag ang pambansang-pulisya ukol sa mga batikos sa hindi paghuli sa sumukong driver ng sports utility vehicle (SUV) na sumagasa ng driver.
Sinabi ni PNP spokesman, Col. Jean Fajardo wala silang legal na basehan para gumawa ng anumang hakbang laban kay Jose Antonio Sanvicente dahil wala pa silang hawak na warrant of arrest.
Sinampahan ng Mandaluyong City police ng kasong frustrated murder si Sanvicente dahil sa pagsagasa nito kay Christian Floralde habang nagmamando ng daloy ng mga sasakyan noong Hunyo 5 sa may SM Megamall.
“To inform the public, the PNP has no legal grounds to take into custody itong suspect considering na wala pa namang warrant of arrest na na-issue sa kanya. Hindi na po ito subject for warrantless arrest dahil there’s already a considerable lapse of time from the time na nangyari ‘yung insidente,” paliwanag ni Fajardo.
Nangako na din naman aniya ang abogado ni Sanvicente na haharapin nila ang kaso.
Binatikos ang PNP ng netizens dahil matapos payagan na makapanayam ng mga mamamahayag si Sanvicente ay pinayagan itong umalis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.